Pahayag ni Senator Raffy Tulfo ukol sa 9 na Pilipinong Tripulante na Hawak ng Houthis
July 31, 2025
Pahayag ni Senator Raffy Tulfo ukol sa 9 na Pilipinong Tripulante na Hawak ng Houthis
Ipinabatid sa akin kahapon ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Cacdac na kumpirmadong hawak ngayon ng grupong Houthis ang siyam na nawawalang Pilipinong seafarers na lulan ng inatake at lumubog na MV Eternity C. Sila ay bahagi ng 21 Filipino crew na sakay ng nasabing barko noong inatake ito ng rebeldeng grupo.
Isang malaking bagay ang makumpirma nating buhay pa ang ating mga kababayang tripulante. Kaya't agad kong iminungkahi kay Sec. Cacdac na gawin ng DMW at mga kaukulang ahensya ang lahat ng kinakailangang hakbang upang matiyak ang kanilang kaligtasan at mapalaya sila sa lalong madaling panahon. Our shared goal is to ensure the seafarers' safety and their swift return to their families.
Ayon kay Sec. Hans, kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa gobyerno ng Oman--ang parehong bansa na tumulong sa mga Pilipinong sakay ng MV Galaxy Leader na dati ring naipit sa kahalintulad na insidente.
Sinisikap na rin daw ng DFA, katuwang ang iba pang mga bansang nasa rehiyon, na ma-verify ang eksaktong lokasyon ng siyam na seafarers upang mapabilis ang anumang rescue o negotiation efforts.
Samantala, in-update na rin ng aking opisina ang ilang kaanak ng mga tripulante ng Eternity C na personal na lumapit sa akin noong Hulyo 15 upang humingi ng tulong at impormasyon ukol sa lagay ng kanilang mga mahal sa buhay.
Bilang Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers, maghahain ako ng isang Senate hearing in aid of legislation upang repasuhin at balangkasin ang mga kinakailangang bagong polisiya at regulasyon sa pagpapadala ng mga Filipino seafarers sa mga high-risk zones.
Kabilang sa mga tatalakayin ay kung dapat na bang magkaroon ng mandatory security assessment sa mga mapanganib na ruta, at kung kinakailangan nang magpatupad ng total deployment ban sa mga lugar na may mataas na banta sa buhay at kaligtasan ng ating mga seafarers.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
